Accessible design ng mga gusali para sa mga PWD, senior citizens at iba pa, plano ng gobyerno

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangang magkaroon ng disenyo sa mga gusali upang maging accessible ang mga ito para sa mga Persons with Disability (PWD), elderly pati na sa mga buntis.

Sa talumpati ng pangulo sa ika-125 anibersaryo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), inihayag nitong panahon na ring magkaroon ng pokus sa iba pang aspeto ng pagtatayo ng gusali.

Hindi lang aniya dapat na maituon sa physical design ang mga itinatayong imprastraktura kundi dapat ding maisa-alang-alang ang konsepto ng accessible design.


Dapat rin ayon sa pangulo na maisa-alang-alang ang pangangailangan ng mga PWD, mga senior at mga nagdadalang-tao kung pag-uusapan ay accessibility sa mga gusaling pinupuntahan ng mga ito.

Kaya na aniyang gawin ito gamit ang technological advancement and innovations na maaaring maging bahagi ng sistema sa pagtatayo ng imprastraktura.

Facebook Comments