MANILA – Inihayag ng bagong lunsad na Ayala Center for Excellence in Sports (ACES) ang pagkabuo ng Atletang Ayala, isang programang naglalayong bigyan ng holistic support ang Olympic hopefuls ng bansa.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ang bawat Atletang Ayala ng pagkakataong madagdagan ang kanilang income sa pamamagitan ng full-salaried employment opportunities para sa part-time na trabaho. Magbibigay daan ito sa mga atleta na magkaroon ng steady income at flexibility upang magampanan ang kinakailangang pagsasanay para sa 2022 Asian Games at 2024 Olympics.
Ang bawat Atletang Ayala ay mabibigyan din ng pagkakataong magamit nang libre ang world-class training facilities ng Ayala Vermosa Sports Hub. Nakipag-partner rin ang ACES sa De La Salle University upang makapag-alok ng libreng enrollment sa mga Atletang Ayala na nais magpatuloy sa kanilang pag-aaral.
“The Ayala Group of Companies has long recognized the special qualities athletes bring to the workplace. A number of our executives in fact competed as national athletes, and they have been noteworthy for their commitment, resilience and ability to work in teams. At the Ayala Group we will continue to look for ways to support our national athletes so that hopefully we can encourage more Filipinos to pursue their sports dreams,” ani Jan Bengzon, program director ng ACES.
“We are excited to open the program application process to all qualified national athletes and look forward to working with them to advance their athletic careers towards qualifying for the upcoming 2022 Southeast Asian Games and Asian Games, and hopefully the 2024 Olympics as well. At the same time, we would also like to work with them to advance their careers beyond sports,” dagdag pa niya.
Ilulunsad ang Atletang Ayala program matapos kilalanin ang walong atletang makikibahagi sa inaugural class nito. Ang lahat ng aplikante ay kailangan maging miyembro ng pool of national athletes sa kanilang national sports associations na lalahok sa medal sports sa 2024 Olympics. Ang bawat Atletang Ayala ay magkakaroon ng yearly contract na magbibigay ng mga nasabing benepisyo at maaaring ma-renew taon-taon hanggang sa 2024 Olympics.
“The success of this program will not be determined by the number of athletes who bring back medals, but by the impact these young men and women will have in their communities as they aspire to reach the pinnacle of their respective sports on the global stage,” ani Bengzon.
Hinihikayat ang mga interesadong aplikante na mag apply sa pamamagitan ng pagsagot sa form, at pagbisita sa link na ito: https://bit.ly/AtletangAyala.
Magsasara ang application sa March 18, 2022. Para sa karagdagang tanong, makipag-ugnayan sa ACES at mag-email sa aces@ayala.com.