Active cases ng COVID-19 sa PNP, lumampas na sa 500

Umakyat na sa 523 ang aktibong kaso ng COVID- 19 kahapon sa Philippine National Police (PNP) mula sa 463.

Sa datos na ito, 20 ang nagpapagaling sa mga ospital habang 503 naman ang naka-isolate sa iba’t ibang quarantine facilities.

Mula naman nang magsimula ang pandemya, nasa 11,499 na tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 10,945 ang naka-rekober at 31 ang nasawi.


Sa bilang na ito, kasama ang 19 na recoveries at 79 na bagong kaso na ini-report ng PNP Health Service kahapon.

Ang mga bagong kaso ay nagmula sa mga Police Regional Offices na may 41.

Habang 25 na bagong kaso ang iniulat sa National Administrative Support Units; 10 sa National Operational Support Units at 3 sa National Headquarters.

Facebook Comments