Umaapela si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa mamamayan na i-exercise ang kanilang karapatang bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Gen. Brawner, hindi dapat balewalain ang karapatan na pumili ng mga susunod na lider ng mga komunidad.
Sa halip aniya, ay dapat samantalahin ang halalan bilang pagkakataon para mapahusay ang gobyerno, simula sa mga barangay at youth leaders.
Tiniyak din nito, na nakahandang tumulong sa Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd), at Philippine Coast Guard (PCG), ang sandatahan lakas upang makamit ang maayos, malinis, at mapayapang Eleksyon 2023.
Facebook Comments