AFP, kaya nang lumaban sa mga magtatangkang sakupin ang bansa

General Romeo Brawner Jr., Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, addressed the media during a press conference at Western Command in Puerto Princesa, Palawan, on August 10, 2023. REUTERS/ Eloisa Lopez

Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kaya nang lumaban ng Pilipinas sa mga nagtatangkang sumakop sa teritoryo nito.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff General Romeo Brawner, malayo na ang narating ng bansa sa usapin ng depensa dahil sa modernisasyon ng AFP.

Giit ni Brawner, talagang lalaban tayo at siguradong masusugatan ang mga magtatangkang manakop sa bansa.


Malakas na aniya ang kakayahang pangdepensa ng bansa dahil sa makabagong gamit na bahagi ng horizon 1, 2, at 3 na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Malaki rin ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa horizon 3 na para sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept kung saan idi-develop ang mga barko at aircraft ng bansa.

Bukod dito, nakalinya rin ang mas marami pang barko at warships, gayundin ang aircrafts o jetfighters na bibilhin.

Mayroon na ring radar defense system, surveillance system, at missile system ang Sandatahang Lakas na kaya aniyang magpalubog ng barko.

Sinasanay rin ang mga sundalo sa cyber warfare at sa pagbuo ng mga bagong organisasyon tulad ng missile regiments, at cyber command.

Facebook Comments