Naihatid na kahapon ang 850 kahon na naglalaman ng 7,395 kilos ng family food packs sa Batanes.
Ang mga relief goods ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinakay sa C130 aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Una na ring inalerto ng AFP ang lahat ng kanilang search, rescue, and retrieval teams para sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR) operations sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo.
Sa kabuuan, 7,970 tauhan ng AFP, 4,242 CAFGU active auxiliary members at 180 reservists ang naka-alerto bilang first responders; at 2,518 land transportation assets, 20 air assets at 265 water assets ang handang i-deploy ng AFP para sa HADR operations.
Facebook Comments