AFP, sinimulan na rin ang pagbabakuna ng booster shot sa kanilang medical frontliners

Nagpapatuloy na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Health Service sa pagbibigay ng booster shot ng Pfizer BioNTech vaccine sa kanilang frontline medical personnel.

Ayon kay Lt. Col. Jonathan Rico, tagapagsalita ng AFP Health Service, ang unang batch ng kanilang health personnel na naka-6 na buwan na mula nang turukan ng pangalawang dose ng bakuna ay binigyan ng booster shot nitong Lunes sa Camp V. Luna, Quezon City.

Naka-schedule naman para sa kanilang booster shot sa December 1 ang susunod na batch na fully vaccinated ng Sinovac mula Abril hanggang Mayo.


Habang sa December 3 naman ang mga tauhan nilang naka-kumpleto ng 2 dose ng Oxford AstraZeneca.

Pagkatapos nito, sinabi ng opisyal na isusunod ang mga “immunocompromised” na hindi gaanong tinalaban ng unang dalawang dose ng bakuna at third priority ang kanilang mga tauhan at dependents na 18 hangggang 60 taong gulang na may comorbidity.

Facebook Comments