Agricultural cooperative sa South Cotabato, natulungan ng LANDBANK na muling makabangon

Muling nakabangon ang Laconon 100 Multi-Purpose Cooperative (LMPC) sa T’BOLI, South Cotabato matapos ang biglaang pagsasara nito dahil sa kawalan ng pondo noong 2003.

Ito ay sa tulong na rin ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) na nagbigay ng pondo noong 2017 para sa pagbabalik ng nasabing agricultural cooperative upang muling mapatakbo ang 300 hectares ng pineapple plantation sa South Cotabato.

Dahil sa milyong pisong loan sa LANDBANK, umabot na ngayon sa 1,000 hectares ang pineapple plantation ng LMPC na may 187 co-op members habang nasa 40,000 hanggang 50,000 tons ng pinya kada taon ang kanilang average production.


Kasabay ng kanilang 25th anniversary ngayon taon, plano ng LMPC na muling mag-avail ng additional term loan sa LANDBANK para sa kanilang expansion.

Facebook Comments