Alert Level 1 sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa, mananatili sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 ayon sa isang health expert

Hindi kinakailangang magtaas ng alert level system sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa.

Ito ang iginiit ng isang Infectious Disease Expert na si Dr. Edsel Salvaña, kahit pa patuloy ang pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, paliwanag ni Salvaña na hindi naman talaga gagalaw ang restriction basta hindi mapupuno ang mga ospital ng mga COVID-19 patients.


Sa katunayan aniya ay halos hindi gumagalaw ang healthcare utilization rate ng mga nakaraang linggo.

Dagdag pa ni Salvaña, nananatiling mababa ang bilang ng mga severe cases ng COVID-19 bansa.

Pero, payo pa rin ni Salvaña sa publiko na patuloy ang paggamit ng face mask at magpa-booster shot na bilang karagdagang proteksyon laban sa nasabing sakit.

Samantala, una nang sinabi ng OCTA na posibleng bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Facebook Comments