All-digital Overseas Filipino Bank ng Landbank, pwede nang magamit sa 113 na bansa sa buong mundo

Maaari nang magamit ang all-digital Overseas Filipino Bank (OFbank) sa 113 na bansa ayon sa Landbank of the Philippines (LANDBANK).

Kabilang sa mga makikinabang ang mga nasa bansang Saudi Arabia; United Arab Emirates (UAE), Singapore, Hong Kong, Qatar, Kuwait, Taiwan, Italy, Bahrain at Malaysia.

Samantala, aabot sa P1.51 billion ang naitalang cash inflow ng (OFBank) habang P1.25 billion naman ang naitalang withdrawals sa pamamagitan ng over-the-counter, automated teller machines (ATMs) at electronic banking.


Ang OFBank ay ang ikatlong institusyon na binigyang lisenya mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Facebook Comments