Ambassador ng Pilipinas sa Lebanon, nakipagpulong na sa Lebanese general security chief para sa contingency plans sa mga OFW doon

Nakipagpulong na si Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat kay Lebanese General Directorate of General Security, Major General Elias Baisary.

Kaugnay ito ng contingency plans ng embahada at ang ongoing voluntary repatriation sa mga Pilipino doon sa harap ng lumalalang tensyon sa Southern Lebanon.

Hiniling din ni Ambassador Balatbat kay Major General Baisary ang mabilis na pagproseso sa exit clearances ng mga uuwing OFW.


Naging paborable naman ang sagot ng Lebanese official at tiniyak nito ang suporta at assistance sa Filipino nationals sa Lebanon.

Facebook Comments