
Binuksan na ang isang gate at nagpakawala ng tubig ang Ambuklao Dam sa Benguet na aabot sa 33 cubic meter for second.
Ito’y matapos sumampa ng 751.61 meters ang reservoir water level nito.
Ibig sabihin, .39 meters na lamang ang pagitan bago maabot ang ang 752 meter o itong normal height water elevation ng dam.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro-Meteorology Division, ang pagpapakawala ng tubig ay dahil sa epekto pa rin ng bagyo at habagat.
Kasunod nito, inabisuhan naman ng PAGASA ang mga residente sa lugar at local disaster risk reduction and management council sa paligid ng dam.
Dapat na umanong magpatupad ng precautionary measure partikular na sa bahagi ng Brgy. Ambuklao sa Bokod Benguet.









