Masayang ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang ika-31 birthday niya sa Siargao kasama ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at ang kaniyang pamilya.
Ito rin ang unang pagkakataon ni Andi na magdiwang ng kaniyang kaarawan sa Siargao matapos siyang manirahan dito noong 2018.
Sa Instagram post ni Andi, ibinahagi nito ang ilang larawan kasama ang kaniyang buong pamilya na nasa world-renowned Cloud 9 surfing area sa General Laguna town sa Siargao.
Tipikal na pagdiriwang sa beach ang ginanap kung saan nagkaroon ng handaan hanggang masilayan ang sunset.
Espesyal naman na pinasalamatan ni Andi ang kaniyang mommy na si Jaclyn Jose dahil sa “this beautiful gift of life” ng kaniyang buhay.
Facebook Comments