Ang Probinsyano Partylist, magsasagawa ng motorcade sa lungsod ng Marikina

Aarangkada na ang Ang Probinsyano Partylist kung saan sisimulan nilang mag-ikot sa ilang mga barangay sa Marikina City.

Bago tumulak ang motorcade ng grupong Ang Probinsyano Partylist ay nagtipon-tipon muna sila sa covered court ng Barangay Tañong upang magsagawa ng briefing tungkol sa ipatutupad na health protocols habang sila ay nag-iikot sa ilang mga barangay sa lungsod.

 

Eksaktong alas-2:00 ngayong hapon nang umarangkada ang motorcade ng Ang Probinsyano sa barangay sa Marikina City upang ipabatid sa mga residente ng lungsod na karamihan ay mga probinsiyano na handa silang tumulong sa oras ng kanilang pangangailangan.


Matatandaang nagbigay ng maraming scholarship program ang grupong Ang Probinsyano sa mga mahihirap na probinsiyano na hindi kayang makapagpatuloy sa kanilang mga pag-aaral sa kolehiyo, nagbigay rin ng mga ayuda sa mga Person with Disabilities (PWDs), senior citizen at ilang mga mahihirap na probinsyano.

Ayon kay Cong. Alfred delos Santos, dalawang taon na Ang Probinsyano Partylist na tunay na boses ng mga probinsyano at tunay na nagmalasakit sa mga probinsyano na lubhang nangangailangan ng kanilang suporta at tulong.

Paliwanag pa ni Representative Delos Santos, noong nagkaroon ng pandemya taong 2020-2021, marami na umanong mga nagawa ang “Ang Probinsyano Partylist” kung saan ay umaabot sa 56,243 na mga benepisaryo ang nabigyan ng kanilang relief packs, 4,174 ang nabigyan ng beneficiaries medical assistance, 33,359 na beneficiaries na financial assistance, umaabot naman sa 7,880 na education assistance ang nabinipisyuhan,457 nabigyan ng negocarts at motorized bangka, at marami pang iba.

Facebook Comments