ATOM, umalma sa pagkatanggal nina Ninoy at Cory sa bagong banknote design

Kinwestyon ng August Twenty-One Movement (ATOM) ang pagkatanggal nina dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino sa bagong BSP banknotes.

Ang grupong ATOM ay itinatag noong August 21, 1983 kasunod ng assassination kay Ninoy sa ilalim ng noon ay Marcos dictatorship.

Sa Isang pahayag, ikinalungkot ng ATOM ang pagtatangkang burahin ang alaala ng mga bayani na nagbuwis ng dugo para sa kalayaan ng bayan.


Anila, tila gusto umano ng pamalaan na maghari na lang muli ang paniniil.

Una nang inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bagong disenyo ng mga perang papel ng Pilipinas para sa 500, 100, at 50-peso bill.

Gayunpaman, inalis ang mga mukha ng mga lokal na bayani.

Hindi na kasama ngayon sa mga bagong bank notes ang mga mukha ni Ninoy Aquino at ng yumaong pangulong Cory Aquino, gayundin ang mga mukha dating Pangulong Manuel Roxas at Sergio Osmeña.

Ang mga Aquino ay pinalitan ng Visayan spotted deer sa 500-peso bill, habang ang Palawan peacock-pheasant ay pinalitan ang imahe ni Roxas, at ang Visayan leopard cat ay itinampok sa espasyo na nagtatampok kay Osmeña.

Facebook Comments