Azurin, umaasa sa kahalili na sisibakin sa serbisyo ang apat na opisyal na sangkot sa iligal na droga

Umaasa si dating Philippine National Police (PNP) Chief at pinuno ng 5-man advisory group Rodolfo Azurin Jr., na panghahawakan ni PNP Chief General Benjamin Acorda ang kanilang rekomendasyon na tuluyang alisin sa serbisyo ang apat na matataas ng opisyal ng PNP.

Ayon kay Azurin, ang rekomendasyon ng komite ay naipasa na sa PNP at sila na ang bahala dito.

Paliwanag nito, tanging rekomendasyon lamang ang advisory group at posible pa itong baguhin ng National Police Commission (NAPOLCOM).


Kapag tinanggap ng NAPOLCOM ang courtesy resignation ng apat na matataas na opisyal ng PNP ay tsaka ito isusumite kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang approval.

Kabilang sa mga inirekomenda nila at tanggapin ang courtesy resignation ng dalawang general at dalawang colonel kung saan kasama ang mga ito sa 36 na mga pulis na tinitignan na may kaugnayan sa iligal na droga.

Hindi naman nito binanggit ang pangalan ng apat, dahil ipinauubaya na nila ito sa National Police Commission.

Facebook Comments