Puspusan ang pagsisikap ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na kumpletong matugunan sa unang quarter ng 2023 ang “backlog” sa plaka ng mga motorsiklo.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ay sinabi ni LTO Chief Atty. Teofilo Guadiz III na “updated” na sila pagdating sa 4-wheeled na mga sasakyan, pero problemado pa rin pagdating sa plaka ng motorsiklo.
Ayon kay Guadiz, bilang solusyon ay nagsimula na silang bumili ng mga dagdag na materyales para sa production ng mga license plate at mayroon na rin silang walong makina na ginagamit.
Dagdag pa ni Guadiz, nagpapatupad na rin ang LTO ng 24-hour shifts sa kanilang Quezon City plate stamping facility para maideliver ang long-overdue na 10-million plate number backlog na naiwan ng nagdaang dalawang administrasyon.
Inihayag din ni Guadiz na dinagdagan din nila ang kanilang manpower para mapabilis ang kanilang trabaho.