Dadalhin sa mga lugar na may surge ng COVID-19 cases ang mga bagong batch ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa kahapon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kabilang sa pagdadalhan ng bakuna ay ang Western Visayas, Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao, ilang bahagi ng Davao Region, ilang bahagi ng Region 11, Soccsksargen, at Zamboanga Peninsula.
Ipapadala aniya ang mga bakuna sa regional hubs.
Samantala, maglalabas ng Certificate of Analysis para sa Sinovac vaccines na dumating sa bansa noong June 24.
Facebook Comments