Tiniyak ng Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) na hindi makakapasok ang H5N8 avian flu sa bansa.
Ito ay matapos ianunsyo ng Russia ang kanilang unang kaso sa tao ng H5N8 avian flu.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pinaigting na ng BOQ ang kanilang border surveillance.
Maging ang isinasagawang surveillance sa animal health ay mahigpit na ipinapatupad ng DA.
Kaugay nito, nagpaalala si Duque na agad kumonsulta sa doktor sakaling mayroon recent travel history at nakakaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, sore throat, masakit at namamanhid na kasu-kasuan, nausea, pananakit ng tiyan, diarrhea at pagsusuka.
Samantala, inihayag ng DA na posibleng tumagal ng hanggang 30 taon bago masugpo ang African Swine Flu (ASF) sa bansa.
Dahil dito, ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Noel Reyes, nagsisimula na silang gumawa ng paraan para makontrol ang pagkalat ng nasabing sakit sa mga baboy.