Bahagyang lumakas ang Bagyong Dindo habang tintahak ang Southern Ryuku Islands.
Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 385 kilometers Hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito sa pa-Hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.
Ayon sa PAGASA, bagama’t walang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa, patuloy pa ring makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malalakas nap ag-ulan sa Luzon bunsod ng hanging habagat.
Bukas ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Maaari pa rin itong lumakas at maging severe tropical storm.
Facebook Comments