Bagyong ‘Isang’, napanatili ang lakas sa pagdaan sa Philippine Sea

Napanatili ng Severe Tropical Storm Isan gang lakas nito habang tumatawid sa Philippine Sea.

Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 505 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 115 km/h.


Kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h malapit sa Miyako Islands sa Japan.

Facebook Comments