Bagyong Neneng napanatili ang lakas habang binabaybay ang Northern Luzon
Bahagyang lumakas ang Bagyong Neneng na huling namataan sa layong 145 kilometers sa silangan, timog-silangan ng Calayan, Cagayan.
Mayroon na itong lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Malaking bahagi na ng Northern Luzon ang apektado ng Bagyong Neneng.
Inaasahang magla-landfall na ito sa mga isla ng Batanes o sa Babuyan Group of Islands ngayong umaga.
Inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na oras habang papalapit o bumabaybay sa Extreme Northern Luzon.
Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayao, hilagang bahagi ng Abra at Ilocos Norte.
Habang signal number 1 naman sa northern at central portions ng Isabela, Kalinga, ilang bahagi ng Abra, Mountain Province, northern portion ng Ifugao at northern at central portions ng Ilocos Sur.
Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga at aasahang mas lalakas pa habang binabaybay ang South China Sea.