Bakunahan, Bayanihan sa isang mall sa Ermita, Maynila, dinadagsa ng vaccinees mula sa mga malalayong lugar

40

Dinadagsa ng mga vaccinees mula sa iba’t-ibang lalawigan ang Bakunahan, Bayanihan sa Robinsons Mall sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Dr. Farneil Flores, supervisor ng vaccination site, may mga vaccinees na dumating sa bakunahan na sakay ng mga bus mula sa Leyte, Pampanga at Cavite.

Bunga nito, posibleng ma-extend ng lagpas alas-6 mamayang gabi ang bakunahan sa nasabing mall.


Sinabi ni Dr. Flores na kulang kasi sila sa vaccinators sa harap naman ng patuloy na pagdagsa ng mga indibidwal na nais magpabakuna.

Kahapon ay mas marami aniya ang dumagsang vaccinees kung saan sinamantala ng publiko ang holiday.

Sa ngayon, nananatili namang walang vaccinees sa naturang mall ang nagkaroon ng adverse effects.



Facebook Comments