Bakunahan para sa 2nd dose ng lahat ng brands ng bakuna, itinuloy muli sa Valenzuela

66

Itinuloy na ngayong araw ng Valenzuela City ang bakunahan para sa lahat ng brands ng COVID-19 vaccines.

Sinimulan kanina sa Valenzuela City ang schedule ng pagbibigay ng 2nd dose ng lahat ng brands ng bakuna na tatagal hanggang August 8.


Naglabas naman ang lungsod ng bagong schedule para sa mga nakansela ang vaccination appointment nitong July 25 at 26.

Sa mga na-cancel na 1st at 2nd dose noong Linggo, July 25, inilipat ito sa Lunes, August 2.

Sa mga na-cancel naman kahapon, July 26, gagawin na ito sa Martes, August 3.

Para sa mga senior citizen na hindi pa nababakunahan at nais tumanggap ng Janssen vaccine ng Johnson & Johnson, magpunta lamang sa Valenzuela City Astrodome simula bukas, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.



Kailangan ding dalhin ang Senior Citizen ID para mabakunahan.

Facebook Comments