Bangkay ng dalawang PNP-SAF members na nasawi sa engkwentro sa Northern Samar, dumating na sa Metro Manila

Dumating na sa Metro Manila ang labi ng dalawang miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) na nasawi sa engkwentro sa New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar.

Sinalubong mismo ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang labi ng dalawang SAF troopers na sina patrolmen Franklin Marquez 26 anyos at Jimmy Caraggayan, 56-anyos sa Villamor Airbase sa Pasay.

Ginawaran sila ng PNP Chief ng Medalya ng Kadakilaan.


Matatandaang kahapon, una nang binigyang parangal ni PNP Chief ang apat pa na SAF troopers na nasugatan sa engkwentro.

Sila ay pinarangalan ng Medalya ng Sugatang Magiting at binigyan rin ng tulong pinansyal.

Facebook Comments