Bigas sa mga Kadiwa stores, target na maibenta ng ₱38 kada kilo bago matapos ang Enero 2025

Target ng Department of Agriculture (DA) na maibaba pa ang presyo ng bigas sa 38 hanggang 39 pesos ang kada kilo sa mga Kadiwa stores bago matapos ang Enero sa 2025.

Ito’y matapos maging batas ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na sa ilalim ng batas ay nagsasagawa sila ng evaluation sa taripa ng bigas sa kada apat na buwan.


Ang huling evaluation ay ginawa nitong Nobyembre at susunod naman ay sa Pebrero at Hunyo ng 2025.

Ayon kay Laurel, nakadepende sa galaw ng exchange rate, kung tataasan o hindi ang taripa sa bigas na makaaapekto sa presyuhan nito.

Sa ngayon, nagsimula nang magbenta ang DA ng ₱40 na kada kilo ng bigas sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo Program.

Facebook Comments