Bilang ng apektadong mag-aaral bunsod ng Bagyong ‘Verbena’ at shearline, umakyat sa mahigit 7-M

Pumalo na sa pito punto isang milyong mag-aaral ang apektado dahil sa Bagyong ‘Verbena’ at umiiral na shearline ayon sa Department of Education (DepEd).

Nagmula ang naturang bilang sa 94 na division sa 11 rehiyon sa bansa.

Sa inilabas na situation report ng DepEd – Disaster Risk Reduction and Management Service, 16,060 na pampublikong paaralan ang naapektuhan ng suspensyon ng klase.

Kung saan karamihan dito ay nagmula sa Bicol Region, Western, at Eastern Visayas.

Kaugnay nito, naitala ng Education Department sa kanilang rapid damage assessment na 24 na silid-aralan ay may minor damage, 3 naman ay may major damage, at 5 ang tuluyang nawasak.

Patuloy naman ang isinasagawang interbensyon ng DepEd para sa patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng masamang panahon.

Kabilang ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at DRRM offices upang masiguro ang kahandaan sa emergency response.

Facebook Comments