Pinaikli ng 15 araw ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng pasok ngayong School Year 2024-2025 para bigyang-daan ang pagbabalik ng orihinal na school calendar sa susunod na taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na mula sa 180 days na required na bilang ng pasok ay magiging 165 days na lang ito.
Para sa taong ito, magtatapos aniya ang pasok ng mga mag-aaral sa May 31.
Magkakaroon pa rin aniya ng halos dalawang buwan ang mga guro at mga mag-aaral sa buong buwan ng Hunyo ngayong taon habang bubuksan naman ang klase sa July 29 hanggang March 2025.
Dahil dito, asahang babalik na sa orihinal na schedule ang School Year 2025-2026 kung saan bubuksan ang klase sa June 2025.
Facebook Comments