Bilang ng daily COVID-19 cases, patuloy na bumababa – DOH

Umaasa ang Department of Health (DOH) na ang bilang ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ay patuloy na bumaba.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa bilang ng aktibong kaso ay nasa apat na porsyento habang ang recovery rate ay nasa 95%.

Napanatili rin ang mababang case fatality rate na nasa 1.6% ng total cases.


Para maibaba pa ang COVID cases, sinabi ng kalihim na importanteng paigtingin ang prevent, detect, isolate, treat, at reintegrate strategy.

Mahalaga rin ang pagbabakuna.

Facebook Comments