Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 ngayong araw, pumalo sa higit 20,000

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 20,151 na indibidwal na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 1,948,198 na ang kabuuang bilang ng recoveries.

Habang 12,751 naman ang naitalang bagong kaso kaya’t umabot na sa 151,135 ang mga active cases.


Sa ngayon, 2,134,005 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

174 naman ang nadagdag sa mga nasawi dahilan para umakyat sa 34,672 ang total recorded deaths.

Facebook Comments