Bilang ng mga pasahero sa NAIA terminals, posibleng umabot ng 140-K kada araw simula sa December 22

Inaasahang ng Manila International Airport Authority (MIAA) na aabot ng 130,000 kada araw ang mga pasaherong dadagsa sa NAIA terminals mula sa December 22.

Ayon kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co, sa ngayon kasi ay pumapalo na sa 130-K kada araw ang bilang ng mga pasahero sa NAIA terminals.

Umaabot na rin aniya ngayon sa 800 ang flights sa NAIA kada araw.


Ito ay mas mataas kumpara sa kalagitnaan ng 2023 na 750 flights kada araw.

Sa katapusan ng taong ito, inaasahang papalo sa 45 million ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa NAIA terminals.

Facebook Comments