Bilang ng recoveries ng COVID-19 sa Taguig, mataas kumpara sa mga nagkakasakit

Inihayag ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) na nasa 98.32 percent ang recovery rate ng lungsod.

Ito ay katumabas ng 10,050 recoveries, matapos itong madagdagan ng 40 sa nakalipas na 24 oras.

Habang nasa 0.50 percent lang ang infection rate o nahahawa ng COVID-19 sa lungsod, katumbas naman ito ng 10,222 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng naturang sakit.


Kung saan 48 ang nadagdag dito sa nakalipas na 24 oras.

Sa kaparehong panahon, tatlo pa ang naidagdag naman sa bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus, kaya naman tumaas pa ang kabuuang billang nito sa 121 o katumbas ng 1.18 percent case fatality rate.

Habang may 51 mga individual na patuloy na nananatili sa mga quarantine facility ng lungsod, ay bilang naman ng active cases nito.

Facebook Comments