Birthday celebration ni Tim Yap, binatikos dahil sa paglabag sa health protocols

139

Matapos mabatikos ang kontrobersyal na birthday celebration ni Raymond Gutierrez, inirereklamo rin ngayon ang birthday celebration ng kaibigan nito na si Tim Yap.

Pinagpapaliwanag kasi ngayon ng Department of Tourism Cordillera Administrative Region (DOT-CAR) ang management ng isang establishment sa Baguio City na pinagdausan ng birthday celebration ng eventologist na si Tim noong January 17, matapos na magreklamo ang ilang concerned citizen.


Kumalat kasi ang ilang litrato at video na walang suot na face mask ang karamihan ng mga bisita ni Tim at hindi rin ipinatupad ang social distancing.

Ang ilan sa mga showbiz personality na dumalo sa birthday celebration ni Tim ay sina KC Concepcion at JM Rodriguez.

Facebook Comments