Biyaheng Visayas at Bicol sa DLTB bus terminal, fully booked na hanggang December 29 at 30

Fully booked na ang lahat nang biyaheng pa-Daet, Naga, Legazpi, Sorsogon, Matnog, Katarman, Ormoc, at Tacloban sa bus terminal na DLTB sa EDSA Pasay mula December 21 hanggang December 29.

Habang sa DLTB bus terminal sa Buendia, Pasay ay fully booked na rin ang lahat ng biyaheng patungong Visayas, Bicol, at Daet hanggang December 30. Puno na ng pasahero ang bus terminal at puno na rin ang waiting area ng mga pasaherong nag-iintay ng kani-kanilang biyahe.

Samantala, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) naman ay umabot na sa 61,069 ang mga dumagsang pasahero mula umaga.


Facebook Comments