Brodkaster na si Raffy Tulfo, nangunguna pa rin sa senatorial candidates sa latest survey ng RMN-APCORE; Rep. Loren Legarda, pumangalawa!

Nananatili ang brodkaster na si Raffy Tulfo na nangunguna sa pagka-senador, batay sa latest pre-election survey ng Radio Mindanao Network – Asia Pacific Consortium of Researchers And Educators (RMN-APCORE).

Ang survery ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face noong March 2 hanggang March 5, 2022 sa 2,400 respondents kung saan pasok sa top 12 ng mga senatoriables na sina:

1. Tulfo, Idol Raffy 60.5%
2. Legarda, Loren 48.4%
3. Escudero, Chiz 44.5%
4. Villar, Mark 44.1%
5. Cayetano, Alan Peter 42.5%
6. Gatchalian, Win 41.9%
7. Zubiri, Migz 41.0%
8. Binay, Jojo 34.3%
9. Padilla, Robin 34.3%
10. Estrada, Jinggoy 32.0%
11. Hontiveros, Risa 31.9%
12. Villanueva, Joel Tesdaman 30.2%


Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni APCORE International Managing Director Dr. Racidon ‘Don’ Bernarte na hindi masyadong gumalaw ang puntos na nakuha ngayong ng mga kandidato kung ikukumpara sa nakalipas na RMN-APCORE survey noong Enero.

Inaasahan naman na maglalabas ng ika-apat at huling survey ang RMN-APCORE ngayong Abril kung saan aalamin kung nakaapekto sa mga kandidato ang mga kaganapan o isyu sa bansa at mga inilatag na debate ng Commission on Elections.

Facebook Comments