BuCor, naglagay na ng full-body scanner sa Bilibid

Naglagay ng dalawang bagong Soter RS full-body scanner ang Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ang naturang full-body scanner ay may kakayahang makakita ng ano mang bagay na nakatago sa loob ng katawan ng tao.

Kabilang dito ang mga bagay na natutunaw, nakatago sa ilalim ng damit, o nakatago sa loob ng kanilang mga pribadong bahagi ng katawan.


Partikular na nakaposte ang mga body scanner sa entrance ng National Headquarters’ Administrative Building at sa Inmate Visiting Services Unit ng Maximum Security Camp sa New Bilibid Prison.

Bunga nito, aalisin na ang strip searches at manual cavity checks sa mga bisita ng PDLs.

Una nang ipinatigil ng BuCor ang strip and cavity searches sa mga dalaw ng PDLs matapos magreklamo sa Commission on Human Rights ang dalawang maybahay ng inmates.

Facebook Comments