Budget ng PCG, dapat dagdagan

Isinulong ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na madagdagan ang budget ng Philippine Coast Guard o PCG para mapalakas ang kakayahan nito na magpatrolya sa teritoryo ng bansa lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Paliwanag ni Pangilinan, 80% ng ating teritoryo ay katubigan ngunit kakarampot lamang ang budget upang protektahan ito kaya pinagkakasya lang ng Coast Guard ang kakarampot na budget.

Dismayado si Pangilinan na sa kabila ng problema sa WPS ay bumaba pa ng 13% ang budget ng PCG ngayong taon na P13.2 billion mula sa P15.22 billion na bugdet nito noong nakaraang taon.


Sinabi ito ni Pangilinan, kasunod ng matagumpay na pagtataboy ng PCG sa mga Chinese Navy warship sa Marie Louise Bank sa West Philippine Sea noong July 13.

Pinuri ni Pangilinan ang mga opisyal at tauhan ng Coast Guard sa paninindigan para sa ating teritoryo at pagbibigay proteksyon sa mga Pilipinong mangingisda para sa kanilang buhay, pagkain at kabuhayan.

 

Facebook Comments