Nagawang makapagpalabas ng 5 libong International Certificate of Vaccinations ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa buong bansa.
Ito ay kilala rin sa tawag na yellow cards na ibinibigay sa mga biyahero na galing sa Africa at South America na nabakunahan laban sa yellow fever.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BOQ Dep. director Roberto Salvador na dinadagdagan pa nila ngayon ang kanilang satellite stations sa mga mall para mas marami pang Pinoy ang maserbisyuhan.
Sa ngayon aniya ay tuloy-tuloy lamang ang pag-iisyu nila ng yellow cards.
Kaya aniya nilang makapag-isyu ng tatlong libo hanggang 5 libong yellow cards sa buong bansa.
Facebook Comments