
Ipatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng isang bus company na sangkot sa road crash incident sa Gumaca Quezon .
Nag-isyu na ng Show Cause Order ang LTFRB para pagpaliwanagin ang operator sa nangyaring insidente.
Ayon sa ulat, 25 pasahero ang nasugatan nang tumagilid ang P&P passenger bus sa Gumaca Bypass Road sa Barangay Manlayaan habang tinatahak ang direksyon papuntang Bicol.
Nakaranas umano ng mechanical trouble ang sasakyan hanggang nawalan ng kontrol ang driver at nadamay pa ang isang kasabayang kotse.
Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa Marso 13 sa Central Office nito sa Quezon City
Tiniyak pa ng ahensya na susubaybayan ang progreso ng pagbabayad ng insurance para sa lahat ng nasugatang pasahero.










