Inihayag ngayon ni Paranaque City Mayor Eric Olivarez na nilagdaan na niya ang kautusan para sa release ng monthly allowance ng mga mag-aaral.
Ayon kay Olivarez, sa tulong ng City Treasurer’s Office at Local School Board ay inihahanda na ang pamamahagi ng tig-500 pesos na monthly allowance ng kindergarten hanggang grade 12 students.
Paliwanag ng alkalde na updated na aniya ito at ang tatanggapin ng mga estudyante para sa taong ito ay hanggang sa buwan ng Abril.
Pinirmahan na rin ni Olivarez ang monthly allowance ng Special Education Students gayundin ang financial incentives ng mga mag-aaral na nagtapos nang may mataas na parangal.
Ipinunto ng alkalde na napapanahon ang pagbibigay ng allowance lalo’t nalalapit na ang pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto at inaasahang full blast na ang implementasyon nito sa Nobyembre.