Naglabas muli ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP dahil sa muling pag aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio epektibo ang NOTAM kaninang 7:27AM ng umaga na tatagal hanggang bukas alas- 6:20 ng umaga September 21.
Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) alas 6:16 ng umaga kanina ng nagkaroon ng eruption ang Bulkang Mayon.
Samantala, nagbigay payo naman ang CAAP sa mga piloto na iwasan munang lumipad malapit sa bunganga ng bulkan mula 11,000ft na distansiya upang maiwasan ang anumang panganib dulot ng ibinubugang abo ng Bulkang Mayon.
Facebook Comments