Calatagan, Batangas, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol; ilang kalapit na lugar kabilang ang Metro Manila, naramdaman din ang pagyanig

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bayan ng Calatagan, Batangas kaninang 10:19 ng umaga.

May lalim ito na 103 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV sa mga lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Quezon at Valenzuela gayundin sa Malolos, Bulacan, Batangas City, Ibaan, Lemery Nasugbu at Talisay sa Batangas, mga lungsod ng Dasmariñas at Tagaytay sa Cavite.


Naitala naman ang Intensity III sa mga sumusunod na lugar:
Pateros, Las Piñas, Makati, Marikina, Parañaque, Pasig, Obando, Bulacan; Laurel, Batangas, lungsod ng Bacoor at Imus sa Cavite; mga lungsod ng San Pablo at San Pedro sa Laguna at San Mateo, Rizal.

Intensity II naman ang naitala sa Caloocan, San Juan, Muntinlupa; lungsod ng San Fernando, La Union; mga lungsod ng Alaminos at Bolinao, Pangasinan; Santa Maria, Bulacan at Bamban, Tarlac.

Naramdaman naman ang Intensity I sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), inaasahan nila ang aftershocks at posibleng may pinsala matapos ang pagyanig.

Facebook Comments