Inanunsyo ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti na na-maintain nila ang 15% na Capital Adequacy Ratio (CAR).
Ayon kay Moti, ito ay mas mataas kesa sa 10% threshold na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa banking industry.
Aniya, kahit na ang Pag-IBIG Fund ay hindi regulated ng BSP, boluntaryo na aniya silang nag-maintain ng mataas na Capital Adequacy Ratio.
Sinabi ni Moti na nais kasi nilang maprotektahan ang pondo ng kanilang mga myembro at mapanatili ng katatagan ng pananalapi ng ahensya.
Pinasalamatan din ni Moti ang kanilang borrowers sa patuloy na pagbayad ng kanilang loans sa nakalipas na taon sa gitna ng pandemya.
Iniulat ni Moti na sa taong 2020, umabot ang kanilang nakolektang home loan payments sa ₱46.65 billion, habang sa cash loan payments ay ₱56.17 billion kaya lalo aniyang naging malakas ang pananalapi ng Pag-IBIG Fund.