CCTV footage ng mga suspek sa pagpatay sa isang abogado sa Abra, hawak na ng PNP

Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang kuha ng CCTV sa mga suspek sa pagpatay kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Abra.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, naisumite na nila sa PNP Anti-Cybercrime Group ang CCTV footage upang ma-enhance ang resolution.


Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa abugada.

Pero ayon sa mga kaanak ni Alzate, wala itong natatanggap na banta sa buhay bago maganap ang insidente.

Facebook Comments