Child labor, lumala dahil sa kaso child porn – DOLE

Nababahala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tumataas ang bilang ng child laborers sa bansa mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Maria Karina Trayvilla, resulta ito ng pagtaas ng kaso ng child pornography.

Ito aniya ang pinakamalalang uri ng child labor sa ilalim ng Republic Act 9231 o Anti-Child Labor Act.


Nagagawa ito dahil karamihan sa mga bata ay nasa bahay at may access na ang halos lahat ng bahay sa internet.

Sa datos ng Department of Justice (DOJ) mula March 1 hanggang May 24, 2020 – nasa 279,166 ang kaso ng online child sex abuse sa bansa.

Facebook Comments