Iimbestighan ng Commission on Human Rights (CHR) ang kaso ng pamamaril ni Police Corporal Alvin Pastorin sa isang binatilyo sa Pampanga dahil sa pag-iingay nito.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, malinaw sa UN Congress on the Prevention of Crime and the Treatment of Offenders na hindi dapat agad nagpapaputok ang otoridad sa pag-neutralize ng inaaresto.
Maari lang aniyang mag warning shot ang otoridad at ang paggamit ng armas ay kinakailangan kung may direktang banta sa kanilang mismong buhay.
Panawagan ng CHR sa mga otoridad, panatilihin ang pasensya o maximum tolerance sa harap ng pagtupad nila sa tungkulin o sa pagpapanatili ng peace and order.
Facebook Comments