CHR, ikinatuwa ang paglalabas ng DA ng P500 million fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang anunsyo ng Department of Agriculture (DA) na magkakaloob ito ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.

Ito’y makaraang ilabas na ng DA ang ₱500 million na fuel subsidy ngayong Marso para makaagapay ang naturang mga sektor sa sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo na pinatindi ng kaguluhan sa Ukraine.

Abot sa 1.8 million na mga rice farmers ang makatatanggap ng ₱5,000 habang tatlong libong piso kada mangingisda.


Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, makakatulong ang ayuda para maibsan ang paghihirap ng naturang sektor sa gitna ng krisis.

Dapat lang aniyang gawing bukas at pantay-pantay ang pamamahagi ng tulong at ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na ngayon ay lugmok ang kabuhayan sa kabila ng sila ang lumilikha ng pagkain para sa sa bansa.

Facebook Comments