CHR, nagsasagawa na nang hiwalay na imbestigasyon sa pagpaslang sa Pampanga-based journalist na si Jesus “Jess” Malabanan

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamaril sa Pampanga-based journalist na si Jesus “Jess” Malabanan, sa Calbayog City, Samar.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, kinokondena nila ang pinakabagong insidente ng atake sa miyembro ng media.

Ani De Guia, hanggat hindi napapanagot ang mga nasa likod ng mga brutal na pagpatay sa mga mamamahayag, lalo lamang mababalot ng climate of impunity ang pagganap sa tungkulin ng mga taga media.


Taong 2017 nang dumulog si malabanan sa Presidential Task Force on Media Security para humingi ng security dahil sa banta sa kaniyang buhay.

Si Malabanan ay naging correspondent ng Manila Times, Bandera, at Reuters at pang 22nd sa listahan ng mga nasawing journalists sa ilalim ng Duterte administration.

Facebook Comments