CHR, tutol sa planong segregation ng mga vaccinated at unvaccinated

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) na posibleng magbunsod ng diskriminasyon ang planong luwagan ang restriction sa mga bakunadong Pilipino habang lilimitahan naman ang mga hindi pa bakunado sa ngalan ng muling pagpapasigla ng ekonomiya.

Sinabi ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia na bagama’t suportado ng ahensya ang pagnanais ng gobyerno na mapaandar ang ekonomiya sa gitna ng pandemya, nagpaalala ito sa gobyerno na gawin ito nang walang karapatan ang malalabag.

Ani De Guia, hindi katangap-tanggap na ihiwalay ang mga vaccinated sa unvaccinated dahil hindi kasalanan ng mga di bakunado na wala pang sapat na suplay ng COVID-19 vaccine.


Dagdag ni De Guia, ang pinaka epektibong paraan para pagbutihin at protektahan ang mga bakunadong Pilipino ay dagdagan ang vaccine supply at palawakin ang vaccination rate sa buong bansa.

Dapat din aniyang pataasin ang kalidad at standards ng healthcare services na nakabatay sa human-rights based approach at hindi nagtatrato ng diskriminasyon sa bawat indibidwal.

Facebook Comments