Monday, January 26, 2026

COC filing para sa special elections sa Ikalawang Distrito ng Antipolo City, itinakda simula sa February 5

Nakahanda na ang Commission on Elections (Comelec) sa idaraos na halalan sa Ikalawang Distrito ng Antipolo City ngayong Pebrero.

Isasagawa ang halalan para punan ang nabakanteng pwesto ni Rep. Romeo Acop matapos pumanaw nitong Disyembre ng nakaraang taon.

Batay sa schedule ng poll body, itinakda ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) mula February 5 hanggang Feb. 7.

Sa February 12 naman mag-uumpisa ang campaign period na tatagal sa loob ng isang buwan o hanggang March 12.

Habang sa March 14 naman ang araw ng halalan na inaasahang lalahukan ng nasa 300,000 rehistradong botante roon.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nasa halos P100 million ang kanilang gastos sa special elections.

Samantala, tiniyak ng poll body na agad bibilangin ang mga boto at ipoproklama pagkatapos ng halalan.

Facebook Comments